Friday, August 1, 2014

KABIHASNAN SA INDIA

HEOGRAPIYA

Sa hilagang bahagi ng sub-kontinenting India sumibol ang isang kabihasnan na matatagpuan sa lambak ilog ng Indus. Sa hilaga ng lambak ilog ay nakapaligid ang kabundukan ng hindu kush ,karakoram at himalaya na pinagmumulan ng tubig sa ilog.Pinagigitnaan naman ng disyerto  ng thar sa silangan at ng bulubundukin ng sulayman at kirthar sa kanluran ang matabang lupain na pinamahayan ng mga tao.
Agrikultura ang kanilang pangkabuhayan.Pangunahing produkto ay trigo, barley,palay at bulak.Nag aalaga rin sila ng mga hayop at may nagaganap ring kalakalan sa pagitan ng taga indus at taga mesopotamia.

Grid system-kung saan nahahati ng mga kalsada ang buong lungsod at nagkakaroon ng mga bloke ng lupain na pinatatayuan ng mga tahanan at iba pang estruktura.Ang mga tahanan ay may pare parehong sukat at may taas na isang palapag lamang, walang bintanang nakaharap sa kalsada bagkus ay may courtyard sa loob ng mga tahanan.

PANAHONG VEDIKO ng mga ARYANO

Nagmula sa Gitnang Asya ang mga mananakop na Aryano na pumasok sa lambak ng indus simula 1500 b.c.
Kabilang sila sa nomadikong  pastoralista at ang tanging tala ng kanilang buhay mahahalaw sa mga vedas.

ANTAS ng mga TAO sa  LIPUNAN

Nagpasimula ang mga Aryano ng Caste system o sistemang kasta na ang layunin ay ihiwalay ang mga aryano sa mga nasakop nilang Drabidyano.Tatlong uri ng lipunang aryano ;
1.Brahmin- binubuo ng kaparian
2.Kshtruya- binubuo ng pinuno at mandirigma
3.Vaishya- binubuo ng mga mangangalakal at magsasaka.
4.Shudra--lahing hindi aryano.
Itinuturing na hindi kabilang sa kasta ang mga dalit o untouchable dahil sa hindi malinis ang kanilang trabahao gaya ng pagiging matador,basurero at sepulturero.

PANITIKAN

Sa larangan ng panitikan,dalawang dakilang epiko ang nagmula sa india ang mahabharata at ramayana.
Mahabharata naglalaman ng 90 000 na taludtod at itinuturing na isa sa mga pinakamahabang tula sa buong  mundo.Samantala,ang Ramayana ay nasa anyong patula rin at epiko ito ng buhay ni haring Rama at ng kanyang asawa na si Sita.

PANANAMPALATAYA NG MGA ARYANO

Ang pagsasanib ng paniniwala ng dalawang pangunahing pangkat ng tao sa india ay ang  pinagmulan ng Hinduismo.Naniniwala sila na ang relihiyon ang tanging paraan upang lumaya ang kaluluwa ng tao sa mga kabiguan,pagkakamali at kalungkutan sa buhay.Ang mga guro ay sumuri sa nilalaman ng mga vedas at nabuo ang upanishads na kalipunan ng diyalogo ng isang guro at mag-aaral.Batay sa sulatin dapat maunawaan ng tao ang kaugnayan ng kanyang kaluluwa (atman) at kaluluwa ng mundo(brahman) upang makamit ng tao ang
 ganap na pagkakaunawa sa ugnyan ng atman at brahman( moksha).Sa kabilang banda, naniniwala din sila sa karma  na basehan  sa muling pagkabuhay.Sa paglaganap ng relihiyon maraming tao ang tutol kaya sumibol ang dalawang relihiyon na Buddhismo at Jainismo.

Buddhismo-tinuro ni Siddharta Gautama at tinatawag syang buddha na ibig sabihin ay "siyang nalinawagan".Ang kalinawagan ni buddha ay nakabatay sa apat na dakilang katotohanan (four noble truths).


jainismo
Ayon sa mga nananalig ng Jainismona ang 24 na guro na mula sa mag kakaibang panahon.Tinawag silang mga Jina na nangangahulugang ''mananakop'' at mga tirthankaras.
Si Vardhamana bilang ika-24 sa mga gurong ito at itinuturing na tagapagtatag ng samahang Jainismo,kung itinanhal siyang Mahavira o dakilang bayani.

Karamihan sa mga tagasunod ng Jainismo:
1.Ahimsa-pamumuhay ng payapa at pagwaksi sa karahasan sa anumang may buhay.
2.Satya-pagpapahalaga sa pagsasabi ng katotohanan.
3.Asteya-pag-iwas sa pagnanakaw.
4.Brahma-charya-pag-iwas sa anumang gawain at pag-iisip na makamundo.
5.Aparigraha-paglayo sa hangarin ng pagkakaroon ng kaligayahan materyal.

IMPERYONG MAURYA

Noong 312 bce,kinilala bilang hari ng Magadha (sa hilagang india) si Chandragupta Maurya.siya ay isang pinunong militar na nagpatalsik sa pamilyang Nanda na naghahari noon sa Magdha.Upang maayos na mapangasiwaan ang imperyo,bumuo si Chandragupta ng isang sentralisadong kawanihan na magpapatakbo sa pamahalaan.Hinati rin niya ang imperyo sa apat na lalawigan na pinamunuan ng isang prinsipe.

IMPERYONG GUPTA

Makalipas ang 500 taong kahulugang at digmaan,mayroong muling lumitaw na mahusay na pinuno sa kaharian ng magadha Siya ay si Chandra Gupta na nagtatag ng imperyong Gupta noong 320 bce.Mula kay Chandra Gupta at sa mga humaliling hari pagkatapos niya,nakaranas ang imperyo ng katahimikan at pag-unlad ng kabuhayan.muling tumatag ang pamahalaan at lumawak pa ang teritoryong imperyo.Sa larangan ng matematika,ipinakilala ng mga paham ang konsepto ng pagbibilang mula una hanggang ikasiyam na bilang .Ang kaalamang ito ay hiniram ng mga Arabe at dinala sa eurupe kung saan nakilala ito bilang hindu-arabic numerals.Saastronomiya,malaki naman ang ambag ni aryabhata sa pag-aaral patungkol sa mga eklipse at sateoryang pag-inog ng mundo sa araw.Sa larangan ng panitikan,kinilala naman si Kalidasa sa husay ng kaniyang mga isinulat na dula tulad ng shakuntala at vikramorvasiyam.

5 comments: