Friday, August 1, 2014

KABIHASNAN SA AFRICA



















ANG MGA KUSHITE

Sa mahigit 2000 taon napasailalim sa kapangyarihan ng mga ehipsiyo ang rehiyon ng nubia(ngayon ay sudan)
na matatagpuan sa katimugan ng ilog Nile.Sa katimugan ng Nubia matatagpuan ang imperyo kush.Bagama't pinagharian sila ng mga ehipsiyo mula ika-16 at ika-15 siglo bce,unti-unting nakamit ng mga kushite ang kanilang kalayaan.Pinalakas pa ng mga kushite ang kanilang hukbo kaya noong 751 bce,nasakop nila ang egypt.Kinilala si haring pianki bilang unang pinuno ng imperyong kushite.Naging maikli lamang ang natamasang tagumpay ng imperyo ng kush dahil noong 671 bce,tinalo silang mga Assyrian.Bunsod ng pangyayaring ito,napilitanang mga hari na limipat at magtatag ng panibagong kabisera ng lungsod sa mereo.

ANG MGA AKSUMITE

Ayon sa alamat,ang pagkakatatag ng kaharian ng aksum ay pinasimulan ng anak ng reyna ng sheba at ni haring solomon ng israel.Ang kaharian ng aksum ay matatagpuan sa hilagang -silangang bahagi ng africa.Mula  1 bce hanggang 7 ce,napanatili ng kaharian ang kapangyarian nito sa pamamagitan ng pakikipaglaban.Ang lokasyon ng kaharian ng aksum ang pananiniwalaang susi ng kanilang tagumpay .Sentro ito ng ruta ng mga caravan pataungong egypt at mereo.Ang baybayin ng aksum ay nagsilbing daungan ng mga barko ng mga mangangalakal na naglalayag sa red sea at karagatang indian.

ANG MGA IMPWERYONG PANGKALAKALAN

Ang mga kalakalan ang pangunahing gawain na bumubuhay sa mga imperyo sa africa .Sa pamamagitan ng pakikipaglaban ,lumago ang mga pamayanan sa africa na naging mga imperyo.Ito rin ang nagsilbing paraan upang ikalat ang relihiyon ,sing, edukasyon, at pamahalaan mula sa ibang lugar.

ANG GHANA

Ang mga mamamayan nga ghana ay tinatawag ng soninke.Pangunahing ikinabubuhay ng mga soninke ang pagsasaka at pangpapanday.Lumago sa isang imperyo ang kanilang pamayanan dahil sa lokasyon nito bilang isang sangandaan ng kalakalan sa africa.ito ay dahil saklaw ng teritoryo ng ghana ang tanging rutang dinaraanan ng mga caravan ng ginto mula sa wangara sa mali at asin na mula sa mga ipinataw na buwis sa mga dumadaang caravan,limaki ang kabang yaman ng imperyo.

ANG IBANG MGA ESTADO SA AFRICA 

Maliban sa mga imperyo,may mga naitayo ring mga lungsod-estado sa africa.Ang mga ito ay ang hausa at ang kaharian ng benin.

ANG MGA HAUSA

Ang mga hausa ay dating sakop ng mga songhai.Nakamit lamang nila ang kanilang kasarinlang nang humina ang imperyo ng Songhai.Matatagpuan sa hilagang nigeria ang mga itinayo nilang mga lungsod ng kano,katsina,at Zazzau.

ANG BENIN

Itinayo ang kaharian ng benin sa pampang ng ilog niger.Noong ika-15,lumaki ang sakop ng kaharian sa pangunguna ni haring ewuare ang lungsod ng benin sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga kalsada, at pagsasaayosa mga tahanan.


No comments:

Post a Comment