Friday, August 1, 2014

IBA PANG KABIHASNAN SA ASYA

IBA PANG KABIHASNAN SA ASYA

Ang mga Hitito
CHARIOT
Nagmula sa mga damuhan ng gitnang Asya ang mga hitito.Nabuo ang imperyong Hitito at tinatag nila bilang kabisera ang lungsod ng Hattusass.Dalawa ang susi sa tagumpay sa digmaan ng mga hitito.Una ay ang paggamit ng mabilis na chariot at ikalawa ay ang kaalaman sa pagpapanday ng bakal upang maging pana, palaso ,palakol at espada.Ang paraan ng pakikipag-ugnayan ng mga hitito sa kanilang mga nasasakupan ay mabubuod sa konsepto ng pag-aangkin at pag aangkop(adopt and adapt).


Ang mga Phoeniciano
ALPABETO


Kabilang sa pangkat ng lahing Semitiko,ay nanahan sa mauunlad  na lungsod -estado sa may baybayin ng dagat ng mediterano.Mahuhusay silang manggawa ng barko,manlalayag at manganagalakal na nagtatag ng mga estratehikong lungsod na may daungan tulad ng Sudon,Tyre, Beirut at Byblos.Pinakamahalagang  na ambag nila sa sangkatauhan ang alpabeto.Simple lamang ang alpabeto ng mga Phoeniciano na nakabase sa ponetiko.
  
Ang mga Persyano
MGA PERSYANO
Ang salitang Persia ay halaw sa katagang Perssi,bansag ng mga Griyego sa lugar na iyon.Sa ilalim ni Cyrus the great,lumawak ang imperyo ng Persia mula sa lambak ilog ng Indus hanggang sa baybayin ng Dagat Aegean.Itinuturing na isa ang imperyong Persyano  sa pinakamalaking imperyo sa panahong iyon dahil sinakop nila ang tatlong kontinente-Asya, Africa at Europe.

PAMAHALAAN

Hinati nila sa 20 satrapy o lalawigan ang kanilang teritoryo.Pinamumunuan ang bawat lalawigan ang isang gobernador na hinirang ng hari.Sa mahabang panahon ,napanatili ng mga Persyano ang katatagan ng kanilang imperyo dahil sa mahusay na sistema ng kanilang komunikasyon.Ang pangunahing wikang ginagamit ng Persyano ay Aramaic na ginagamit ng mga eskriba sa lahat ng bahagi ng imperyo.

RELIHIYON

Noong 600bce ipinahayag ng propetang si Zoroaster na may iisang diyos lamang. Ang diyos na ito ay tinawag niya ng Ahura Mazda na pinagmulan ng kaliwanagan at katotohanan,Dagdag pa niya na may espiritu ng kasamaan na kinilala niya bilang si Ahriman.

No comments:

Post a Comment