Friday, August 1, 2014

ANG MGA KABIHASNAN SA AMERICA

ANG MGA KABIHASNAN SA AMERICA



Matatagpuan ang mga kontinente ng north America sa pagitan ng dalawang malalawak na karagatan,ang karagatang Pasipiko at karagatang Atlantiko.

ANG MGA OLMEC

Tinatawag na olmec o mga taong goma(rubber people) ang mga pamayanan na naninirahan sa baybayin ng Golpo ng mexico noong 1200 bce.Nakasentro sa relihiyon ang buhay ng mga Olmec.
Ang mga pinuno nila ay nagpatayo ng mga templo na hugis piramide at sa tuktok ng mga tmeplong ito nagaganap ang mga seremonyang panrelihiyon.Isa pang paraan ng pagsamba ng mga Olmec sa kanilang mga diyos ay sa pamamagitan ng paglalaro ng bola ng goma.Ito ay isang seremonya na maglalaban ang dalalawang pangkat ng manlalaro sa isang ballcourt.Tanging mga braso at balakang l;amang ng mga manlalaro ang maaring gamitin upang ipasok sa stone ring ang isang gomsng bola.Ang mga matratalong manlalaro ay isasakripisyo sa kanilang mga diyos.

ANG MGA TEOTIHUACANO 

Matatagpuan sa lambak ng mexico ang tinaguring ''lupain ng mga diyos'' o Teotihuacano.Ang Teotihuacano ay kinilala bilang unang lungsod sa America.Mula 100 ce, ang lugar na ito ay naging sentro ng mga magsasaka,artisano,arkitekto,at musikero.Mapayapa ang pamumuhay ng mga teotihueacano na nakasentro lamang sa pagsasaka,kalakalan at relihiyon.Ang kanilang mga tahanan ay napapalamutian ng mga guhit ng ibon,jaguar, at nagsasayawang mga diyos.Sa paglipas ng panahon,nakamit nila ang pinakamalawak na ugnayang pangkalakalan sa Gitnang America.

ANG MGA MAYAN

Nagsimula sumibol ang kabihasnan ng mga mayan mula sa mga pamayanang nagsasaka na nagtayo ng mga diyos.Mula rito,lumaki ang mga pamayanan at naging mga lungsod tulad ng tikal,Copan,Uxmal, at Chichen
Itza na matatagpuan sa katimugang Mexico at sa Gitnang America.

KABUHAYAN

pagsasaka ng mais ang pangunahing kabuhayan ng mga Mayan.Mayroon din silang industriya ng paghahabi ng tela,pagpapalayok, at pag-ukit sa jade,obsidian,kahoy,kabibe  at bato.Ang mga produktong kanilang nagawa ay ikinakalakal sa ibang mga lungsod.

RELIHIYON

Tulad ng mga naunang nabanggit na kabihasnan sa America,nakabatay rin ang buhay ng mga Mayan sa kanilang relihiyon.Politeistiko ang mga Mayan sa kanilang dahil naniniwala sila sa maraming diyos na namamahala sa kanilang buhay.Sumasamba sila sa pamamagitan ng pag-aalay ng pagkain,bulaklak, at insenso.May pagkakataon din na nag-aalaysila ng tao sa mga cenote,isang malaim na balon,bilang sakripisyo sa kanilang mga diyos.

KATANGIAN NG KABIHASNAN SA IBA'T IBANG LARANGAN

Ang mga pari rin agn naguna sa pagpapaunlad ng matemetika,astronomiya, at pagsasaayos ng mga kalendaryo,Dala ng impluwensyang Olmec,gumagamit din sila ng zero sa paglilibang.Sa pamamagitan ng pagtatala ng pagkilos ng araw at buwan,nakabuo ang mga pari ng isang kalendaryong solar na binubuo ng 20 buwan na may tig-8 araw.

ANG MGA INCA

Sa south america,sumibol ang isang kabihasnan at imperyo na sumakop sa malaking bahagi ng kabundukang andes.Umabot ang teritoryong sakop nito sa peru,bolivia,ecuador, at mga bahagi ng chile at argentina.Ang imperyong ito ay tinawag na INCA.Nagsimula sa isang maliit na pamayanan sa lambak ng cuzco ang mga inca.Sa pamumuno ni PACHACUTI INCA,lumawak ang nasasakupan ng mga inca at nakabuo sila ng isang imperyo.Tinatawag ni pachacuti inca na Tahuantinsuya (land of the four quarters) ang imperyo.

PAMAHALAAN

Ibinitay ng mga inca sa ayllu ang pamamahala sa kanilang imperyo.Ang ayllu ay ang pagtutulungan ng mga pangkat ng mga tao para sa ikabubuti ng kanilang pamayanan.Sila ang bumubuo ng mga irigasyon at kanal at nagsasaayos ng terraces na sakahan.Pinangkat ng mga inca ang kanilang mga mamamayan sa tig-10,1000,1000 at 10 000 ayllu.Ang bawat pangkat aay pinamumunuan ng isangcuraca na nagpapatupad sa mga dapat gawin ng buong ayllu at ng bawat pamilya.

3 comments:

  1. 𝙽𝚊𝚔𝚊𝚝𝚞𝚕𝚘𝚗𝚐 𝚒𝚝𝚘 𝚜𝚊𝚊𝚔𝚒𝚗 𝚊𝚝 𝚜𝚊 𝚖𝚘𝚍𝚞𝚕𝚎𝚜 𝚝𝚑𝚊𝚗𝚔𝚢𝚘𝚞

    ReplyDelete
  2. 𝙽𝚊𝚔𝚊𝚝𝚞𝚕𝚘𝚗𝚐 𝚒𝚝𝚘 𝚜𝚊𝚔𝚎𝚗 𝚔𝚊𝚖𝚜𝚊𝚖𝚑𝚒𝚍𝚊

    ReplyDelete