KABIHABNAN SA CHINA
Sa lambak pagitan ng mga ilog ng Huang ho at Yangtze sumibol ang mga unang pamayanan sa China.Ang hangganan ng lambak sa hilaga ay ang disyerto ng Gobi at sa silangan naman ang karagatang Pasipiko.Ang kabundukan ng Tien Shan at Himalaya ang nasa kanluran ng lambak at sa timog naman ay ang mga kagubatan ng Timog -silangan Asya.
MGA UNANG DINASTIYA
Dinastiyang Hsia- pinagharian ni Yu na isang inhinyero at matematiko.Sa pamumuno nya nasagawa ang pang irigasyon n hahadlang sa mapaminsalang pagbaha sa ilog.
Dinastiyang Shang- Ang tanging ebidensya ng kanilang sistema ng pagsulat ay mula sa oracle bones.Ito ay piraso ng buto ng pawikan na sinusulatan ng katanungan at binibigyang kasagutan ng shaman. Hinati sa dalawang pangkat ang lipunan sa panahon ng dinastiyang Shang .Ang unang pangkat ay ang maharlika at ang ikalawa ay ang mga mandirigma.
Dinastiyang Zhou-Ipinagpatuloy nila ang konsepto ng Tian Ming o "mandato ng langit"na ang hari ang kinikilalang kinatawan ng langit.Ang siklong pagtatatag,pagbagsak at papapalit ng dinastiya ayon sa mandato ay tinaguriang siklong dinastiko (dynamic cycle).Ang panahong ito ay tinaguriang "Panahon ng mga Nagdidigmang Estado"
Dinastiyang Qin- Tinawag ng pinuno ng Qin ang kanyang sarili na Shi Huangdi na nangangahulugang unang emperador.Iniutos sa lahat ng maharlikang pamilya ng bawat estado sa buong China na manirahan sa kabisera ng imperyo na Xianyang.Sa pagnanais na masupil ang tumutuligsa ang pamahalaan ay tinatawag na autocracy.Sa dinastiyang ito nagawaang "Great wall of China" pader bilang depensa laban sa mga barbaro.
MGA PILOSOPIYANG LUMITAW sa HULING DALAWANG DINASTIYA
Confucianismo- ipinanganak si conficius noong 551 bce.Namuhay sya bilang isang iskolar at ayon sa kanyang pag aaral ,dapat taglayin ng bawat isa ang jen o ang kabutihan at pagmamahal sa kapwa.Nanindigan siya na dapat mamuhay ng marangal ang isang pinuno at magpakita ng kabutihan sa kanyang nasasakupan.Naniniwala rin siya na ang edukasyon ay susi upang ang isang karaniwang tao ay magiging maginoo.
Taoismo- Itinuro ito ng pilosopong si Lao-Tzu na namuhay noong 6 bce.Naniniwal siya na ang pinakamahalagang gawain upang makamit ang kaayusan at kapayapaan ay ang pagpapaubaya sa natural na takbo ng kalikasan..Bahagi ng paniniwala ng mga Taoist ang konsepto ng yin at yang na dalawang puwersa na nagpapakilos sa kalikasan.Ang yin ay simbolong lupa,dilim at kababaihan at yang ay simbolo ng langit, liwanag at kalalakihan.Sumusunod din sila sa feng shui na isang sistema ng pagsasaayos sa lupain at tahanan upang bumagay sa kapaligiran at panatilihing balanse ang yin at yang.
Legalismo-Sina Hanfeizi at Li Su ay dalawa sa mga nagsulong ng pilosopiyang legalismo.ayon sa pilosopiyang ito,ang isang malakas at mahusay na pamahalaan ang susi sa pagpapanatili ng kaayusan.Kailangan ng pamahalaan ang batas upang wakasan ang kaguluhan at magdala ng kayusan.
No comments:
Post a Comment