Ang lumang Kaharian
Paraon na ang tawag sa pinuno ng kaharian sa panahong ito.Itinituring silang parang diyos ng mga tao kaya ganap ang kanyang kapangyarihan sa buong Egypt.
Tinatawag ding "panahon ng piramide" ang lumang kaharian dahil dito nagsimula ng magpatayo ng mga libingan na hugis piramide.
Ang piramide ay nagsisilbing patunay ng katatagan ng pamamahala ng mga paraon at husay sa kanilang kabihasnan.
Ang gitnang kaharian
Sa pamumuno ni haring Mentuhotep nagsimula ang gitnang kaharian. Sentralisadong pamamahala ang pina iral kay tinawag na "panahaon ng maharlika"Naging maunlad ang kalakalan nakipag ugnayan sila sa Syria upang kumuha ng cypress,lapiz, lazuli at iba pa,
Sa silangang bahagi ng Egypt may pamayanang naitayo at tinawag na Hyksos na migrante mula sa Palestine. Lumakas ang kapangyarihan ng hyksos hanggang madaig nila ang paraon. Naging maayos sa loob ng 160 taon ang pamumuno ng hyksos hanggnag napatalsik ni Ahmose1 ng tebes.
Ang bagong kaharian
Pinaghaharian ni Ahmose I ang Egypt at ibinalik ang kaayosan at pangkalakalan.Sinakop muli ang Nubia at Canaan kaya tinaguriang "panahon ng imperyo" ang bagong kaharian.
Kinabibilangan nina reyna Hatshepshut babaeng paraon na nagdala ng katahimikan at kaunlaran sa Egypt sa 19 na taon.Thutmose III pinalaki ang teritoryo ng sakupin ang ilog Euphrateshanggang Nubia sa katimugan. Rameses II ipinatayo nya ang lungsod ng pi-ramesses at mga gusali ng Abu Simbel at templo ng Ramesseum.
KATANGIAN NG KABIHASNAN
RELIHIYON
Ang paniniwala ng ehepsyo ay politiestiko.I lan sa kanilang diyos ay si RA ang diyos ng araw; si HUROS ang diyos ng liwanag at si ISIS ang diyosa ng mga ina at asawa.Naniniwala sila na may buhay pa pagkatapos sa kamatayan.Lahat ng ehepsyo ay naghahanda sa paglagakan ng kanilang labi o mummy.Ang mummification ay proseso ng pag-embalsamo ng katawan ng patay upang hindi mabulok.Naniniwala din sila na ang kanilang pinuno ay may eternal spirit kaya nabuo ang mga piramide na nagsisilbing libingan ng mortal na katawan ng hari.
LIPUNAN
Ang piramide ay inihahambing sa lipunan ng Egypt. Sa itaas na bahagi ay ang paraon at kanyang pamilya.
Kasunod nito ay ang mga opisyal ng pamahalaan,pinuno ng hukbo at mayayamang may lupa at ang pinakahuli ay ang mga magsasaka at manggagawa.
PAGSULAT
Hieroglyphics- bagong sistema na ang mga larawan ay naging katumbas na ng tunog. Nagsusulat ang mga ehipsyo sa bato at luad, hanggang sa maimbento nila ang papel na mula sa papyrus reeds.
AGHAM AT TEKNOLOHIYA
Lumikha sila ng sistema na nakasulat na numero para sa pagbibilang ng buwis,produkto at iba pa.Gumamit din sila ng heometriyapangsukat sa mga lupain pagkatapos ng pag apaw ng ilog nile.Bumuo rin sila ng kalendaryo na nakabase sa bituin na sirius.Umabot saa 365 araw ang kalendaryoat nahahati sa sa 12 buwan na may 30 araw at nadagdagan ng 5 araw para sa mga espesyal na okasyon. Kilala rin sa larangan ng medisina ang ehepsiyo.May kaalaman sila sa pagkuha ng pulso ng tao,pagsasa-ayos ng mga butong pilay at bali at paggamot sa sugat at lagnat.
No comments:
Post a Comment