Thursday, July 31, 2014

KABIHASNAN SA MESOPOTAMIA


Mesopotamia


Ang lambak-ilog ng mesopotamia aynapapalibutan ng Kabundukang Taurus sa hilaga at ng kabundukang Zagros sa silangan.Ang hangganan naman ng mesopotamia sa timog ay ang disyerto ng arabia at sa timog-silangan ay ang golpo ng persia.

ang pangalan ng mesopotamia ay nagmula sa salitang griyego na ang kahulugang ay''lupain sa pagitan ng mga ilog ''.Ang dalawang ilog na tinutukoy rito ay ang ilog tigris at ilog euphrates.Dahil sa matabang lupain at mainam na patubig mula sa ilog ,bahagi ang mesopotamia sa tinatawag na fertile crescent na mga lupain sa kanlurang asia







AKKADIAN

Ang mga unang emperyo  ay pinagharian ni haring sargon sa kaharian ng Akkad.Sa ilalim ng kanyang pamamahala lumawak ang sakop ng Akkad at kinilala bilang unang imperyo.Nagtagal ang imperyo ng mahigit 200 taon at pagkatapos ay nagkawatak-watak muli ang mga nasakop na bayan.




BABYLONIAN

( ISANG INUKIT NA BATO KUNG SAAN  MAKIKITA SI HAMMURABI NA NAKATAYO AT KAHARAP  ANG ISANG DIYOS )
Sa pagsapit ng 2000 b.c ang mga babylonian ang naghari at sumakop sa Mesopotamia.Sila ay pinamumunoan ni Hammurabi at nakamit ang pinaka rurok ng kapangyarihan.Makalipas ang  dalawang siglo,nabuwag ang imperyo dahil sa pagsalakay ng pastoralistang nomadiko.




ASSYRIAN

Sinakop ng assyrian ang mga lupain sa Mesopotamia,Egypt at Anatolia mula 850 to 650 b.c.Isinaayos nila ang ang nasasakupan mga lupaing malapit sa Assyria ginawang  lalawigan.Pinangalagaan ang emperyo ng hukbong Assyrian laban sa mga kaaway at mananalakay.Nagwakas  ang imperyong Assyrianng talunin ito ng puwersa ng mga Chaldeanat ibang kaanib na kaharian.



CHALDEAN

Itinanatag ng Chaldean ang kanilang kabisera sa matandang lungsod ng Babylon. Naging tanyag na hari sa Chaldean si Nebuchadnezzar dahil sa pinagawa nyang hanging gardens na isa sa seven wonders of the  ancient world.Ito ay bai-baitang na hardin na alay para sa kanyang asawa na si reyna Amytis. Sa taong 586 b.c. nasakop ng persyano ang kaharian ng Chaldean.



RELIHIYON

Ang mga sumeryano ay maituturing na may politiestikong pananampalataya.Pinakamakapangyarihan na diyos ay si Enlila ang diyos ng hangin  at mga ulap. Shamash naman ang diyos ng araw na nagbibigay ng kalinawagan. Inna ang diyosa ng pag-ibig at digmaan. Udug pinakamamabang diyos na tagapaghatid ng sakit,kamalasan at gulo.

 Gulong at layag nilikha ng mga Sumeryano.Cunieform ay sistema ng pagsulat at Sexagesimal isang sistema ng pamilang na nakabase sa bilang na 60.


  Ginamit ng Chaldean ang bronse bilang kasangkapan at bronse. Ang mga Babylonian ay nag-iwan ng clay tablet na may tala ng kasagutan sa mga komputasyon patungkol sa multiplication at division.



Ito ay arko,column at ziggurat mga arkitektura  na lubusang nakaimpluwensya sa makalumang kabihasnan sa mesopotamia.



Kodigo ni Hammurabi ay kalipunan ng mga batas na ang layunin ay pag isahin ang lahat ng bahagi ng lipunan.

No comments:

Post a Comment