Friday, August 1, 2014

KABIHASNAN SA PASIPIKO





KULTURANG PASIPIKO 

Ang rehiyon ng oceania ay matatagpuan sa karagatang pasipiko.Kabilang dito ang mga rehiyon ng polynesia,Micronesia, at melanesia.Ito ay binububo ng libo-libong pulo natinitirahanng mga mamamayang nasanay  sa kulturang pangkaragatan.

POLYNESIA

Ang rehiyon ng polynesia ay binubuo ng mahigit sanlibong pulo mula sa gitnang pasipiko hanggang sa new zealand .Ang pangalang polynesia ay galing sa mga katagang Griyaego na pulos na nangangahulugang ''pulo''.Sakop nito ang malaking triyangulong teritoryo mula sa hawaiisa hilagang-silangan,patungo sa easter island sa timog-silangan,at sa new zealand sa kanluran.Dito makikita ang mga pulo na tulad ng fiji,samoa,tonga, at tuvalu.


KULTURA AT KABUHAYAN

Ang mga polynesia ay amangkop sa uri ng kanilang kapaligiran.Sila aya naging mga bihasang manlalayag.Karamihan sa kanila ay nasanay na sa pamumuhay sa sonang tropikal tulad ng nga katutubo ng hawaii.Samantala ang mga polynesian naman na naninirahan sa new zealand as nasanay na sa kapaligirang mahalumigmig.Lahat sila ay nakapagtatag ng mga pamayanan na pinamunuan ng mga maharlika.Ang puwesto ng pinuno ay karaniwang namamana ngunit sa ilang mga pook ,tulad sa samoa ang katungkulang ito ay nababatay sa pagkilala ng komunidad ng siya hirangin bilang kanilang pinuno.










MICRONESIA

Ang micronesia ay bahagi ng pasipiko na pinakamalapit sa pilipinas.Halaw ang pangalan nito sa mga katagang Griyego na mikros na nangangahulugang''maliit''at nesos na nangangahulugang''mga pulo''.

KULTURA

Ang mga micronesia ayt galing din sa lahing austronesyano na nanggaling sda timog china at formosa.Magkaugnayang kanilang kultura sa kabihasnan sa pilipinas at sa polynesia.pinaniniwalaan ng mga arkeologo at mga antropologo na ang mga ninuno ng mga taga miconesia ay dumaan muna sa pilipinas bago tumungo sa nasabing pangkat ng mga pulo.Isang patunay nito ay ang pagkakahawaig ng paraan ng paggawa ng sinaunang palayok s marinduque.

MELANESIA

Ang rehiyon ng melanesia at matatagpuan sa kanlurang pasipiko.Halaw ang pangalan nito sa mga katagang griyego na melas na nagangahulugang''mga pulo''.Ang mga pulo ng melanesia ay tinitirahan ng mga taong maitim ang balat.

MGA MAMAYANAN 

Tinatayang matagal nang nannirahan ang mga ninuno ng mga melanesia sa new zealand bago nito nagsimulang lumipat sa mga pulo sa timog pasipiko 35000 taon na agn nakalilipas.

KABIHASNAN SA AFRICA



















ANG MGA KUSHITE

Sa mahigit 2000 taon napasailalim sa kapangyarihan ng mga ehipsiyo ang rehiyon ng nubia(ngayon ay sudan)
na matatagpuan sa katimugan ng ilog Nile.Sa katimugan ng Nubia matatagpuan ang imperyo kush.Bagama't pinagharian sila ng mga ehipsiyo mula ika-16 at ika-15 siglo bce,unti-unting nakamit ng mga kushite ang kanilang kalayaan.Pinalakas pa ng mga kushite ang kanilang hukbo kaya noong 751 bce,nasakop nila ang egypt.Kinilala si haring pianki bilang unang pinuno ng imperyong kushite.Naging maikli lamang ang natamasang tagumpay ng imperyo ng kush dahil noong 671 bce,tinalo silang mga Assyrian.Bunsod ng pangyayaring ito,napilitanang mga hari na limipat at magtatag ng panibagong kabisera ng lungsod sa mereo.

ANG MGA AKSUMITE

Ayon sa alamat,ang pagkakatatag ng kaharian ng aksum ay pinasimulan ng anak ng reyna ng sheba at ni haring solomon ng israel.Ang kaharian ng aksum ay matatagpuan sa hilagang -silangang bahagi ng africa.Mula  1 bce hanggang 7 ce,napanatili ng kaharian ang kapangyarian nito sa pamamagitan ng pakikipaglaban.Ang lokasyon ng kaharian ng aksum ang pananiniwalaang susi ng kanilang tagumpay .Sentro ito ng ruta ng mga caravan pataungong egypt at mereo.Ang baybayin ng aksum ay nagsilbing daungan ng mga barko ng mga mangangalakal na naglalayag sa red sea at karagatang indian.

ANG MGA IMPWERYONG PANGKALAKALAN

Ang mga kalakalan ang pangunahing gawain na bumubuhay sa mga imperyo sa africa .Sa pamamagitan ng pakikipaglaban ,lumago ang mga pamayanan sa africa na naging mga imperyo.Ito rin ang nagsilbing paraan upang ikalat ang relihiyon ,sing, edukasyon, at pamahalaan mula sa ibang lugar.

ANG GHANA

Ang mga mamamayan nga ghana ay tinatawag ng soninke.Pangunahing ikinabubuhay ng mga soninke ang pagsasaka at pangpapanday.Lumago sa isang imperyo ang kanilang pamayanan dahil sa lokasyon nito bilang isang sangandaan ng kalakalan sa africa.ito ay dahil saklaw ng teritoryo ng ghana ang tanging rutang dinaraanan ng mga caravan ng ginto mula sa wangara sa mali at asin na mula sa mga ipinataw na buwis sa mga dumadaang caravan,limaki ang kabang yaman ng imperyo.

ANG IBANG MGA ESTADO SA AFRICA 

Maliban sa mga imperyo,may mga naitayo ring mga lungsod-estado sa africa.Ang mga ito ay ang hausa at ang kaharian ng benin.

ANG MGA HAUSA

Ang mga hausa ay dating sakop ng mga songhai.Nakamit lamang nila ang kanilang kasarinlang nang humina ang imperyo ng Songhai.Matatagpuan sa hilagang nigeria ang mga itinayo nilang mga lungsod ng kano,katsina,at Zazzau.

ANG BENIN

Itinayo ang kaharian ng benin sa pampang ng ilog niger.Noong ika-15,lumaki ang sakop ng kaharian sa pangunguna ni haring ewuare ang lungsod ng benin sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga kalsada, at pagsasaayosa mga tahanan.


ANG MGA KABIHASNAN SA AMERICA

ANG MGA KABIHASNAN SA AMERICA



Matatagpuan ang mga kontinente ng north America sa pagitan ng dalawang malalawak na karagatan,ang karagatang Pasipiko at karagatang Atlantiko.

ANG MGA OLMEC

Tinatawag na olmec o mga taong goma(rubber people) ang mga pamayanan na naninirahan sa baybayin ng Golpo ng mexico noong 1200 bce.Nakasentro sa relihiyon ang buhay ng mga Olmec.
Ang mga pinuno nila ay nagpatayo ng mga templo na hugis piramide at sa tuktok ng mga tmeplong ito nagaganap ang mga seremonyang panrelihiyon.Isa pang paraan ng pagsamba ng mga Olmec sa kanilang mga diyos ay sa pamamagitan ng paglalaro ng bola ng goma.Ito ay isang seremonya na maglalaban ang dalalawang pangkat ng manlalaro sa isang ballcourt.Tanging mga braso at balakang l;amang ng mga manlalaro ang maaring gamitin upang ipasok sa stone ring ang isang gomsng bola.Ang mga matratalong manlalaro ay isasakripisyo sa kanilang mga diyos.

ANG MGA TEOTIHUACANO 

Matatagpuan sa lambak ng mexico ang tinaguring ''lupain ng mga diyos'' o Teotihuacano.Ang Teotihuacano ay kinilala bilang unang lungsod sa America.Mula 100 ce, ang lugar na ito ay naging sentro ng mga magsasaka,artisano,arkitekto,at musikero.Mapayapa ang pamumuhay ng mga teotihueacano na nakasentro lamang sa pagsasaka,kalakalan at relihiyon.Ang kanilang mga tahanan ay napapalamutian ng mga guhit ng ibon,jaguar, at nagsasayawang mga diyos.Sa paglipas ng panahon,nakamit nila ang pinakamalawak na ugnayang pangkalakalan sa Gitnang America.

ANG MGA MAYAN

Nagsimula sumibol ang kabihasnan ng mga mayan mula sa mga pamayanang nagsasaka na nagtayo ng mga diyos.Mula rito,lumaki ang mga pamayanan at naging mga lungsod tulad ng tikal,Copan,Uxmal, at Chichen
Itza na matatagpuan sa katimugang Mexico at sa Gitnang America.

KABUHAYAN

pagsasaka ng mais ang pangunahing kabuhayan ng mga Mayan.Mayroon din silang industriya ng paghahabi ng tela,pagpapalayok, at pag-ukit sa jade,obsidian,kahoy,kabibe  at bato.Ang mga produktong kanilang nagawa ay ikinakalakal sa ibang mga lungsod.

RELIHIYON

Tulad ng mga naunang nabanggit na kabihasnan sa America,nakabatay rin ang buhay ng mga Mayan sa kanilang relihiyon.Politeistiko ang mga Mayan sa kanilang dahil naniniwala sila sa maraming diyos na namamahala sa kanilang buhay.Sumasamba sila sa pamamagitan ng pag-aalay ng pagkain,bulaklak, at insenso.May pagkakataon din na nag-aalaysila ng tao sa mga cenote,isang malaim na balon,bilang sakripisyo sa kanilang mga diyos.

KATANGIAN NG KABIHASNAN SA IBA'T IBANG LARANGAN

Ang mga pari rin agn naguna sa pagpapaunlad ng matemetika,astronomiya, at pagsasaayos ng mga kalendaryo,Dala ng impluwensyang Olmec,gumagamit din sila ng zero sa paglilibang.Sa pamamagitan ng pagtatala ng pagkilos ng araw at buwan,nakabuo ang mga pari ng isang kalendaryong solar na binubuo ng 20 buwan na may tig-8 araw.

ANG MGA INCA

Sa south america,sumibol ang isang kabihasnan at imperyo na sumakop sa malaking bahagi ng kabundukang andes.Umabot ang teritoryong sakop nito sa peru,bolivia,ecuador, at mga bahagi ng chile at argentina.Ang imperyong ito ay tinawag na INCA.Nagsimula sa isang maliit na pamayanan sa lambak ng cuzco ang mga inca.Sa pamumuno ni PACHACUTI INCA,lumawak ang nasasakupan ng mga inca at nakabuo sila ng isang imperyo.Tinatawag ni pachacuti inca na Tahuantinsuya (land of the four quarters) ang imperyo.

PAMAHALAAN

Ibinitay ng mga inca sa ayllu ang pamamahala sa kanilang imperyo.Ang ayllu ay ang pagtutulungan ng mga pangkat ng mga tao para sa ikabubuti ng kanilang pamayanan.Sila ang bumubuo ng mga irigasyon at kanal at nagsasaayos ng terraces na sakahan.Pinangkat ng mga inca ang kanilang mga mamamayan sa tig-10,1000,1000 at 10 000 ayllu.Ang bawat pangkat aay pinamumunuan ng isangcuraca na nagpapatupad sa mga dapat gawin ng buong ayllu at ng bawat pamilya.

IBA PANG KABIHASNAN SA ASYA

IBA PANG KABIHASNAN SA ASYA

Ang mga Hitito
CHARIOT
Nagmula sa mga damuhan ng gitnang Asya ang mga hitito.Nabuo ang imperyong Hitito at tinatag nila bilang kabisera ang lungsod ng Hattusass.Dalawa ang susi sa tagumpay sa digmaan ng mga hitito.Una ay ang paggamit ng mabilis na chariot at ikalawa ay ang kaalaman sa pagpapanday ng bakal upang maging pana, palaso ,palakol at espada.Ang paraan ng pakikipag-ugnayan ng mga hitito sa kanilang mga nasasakupan ay mabubuod sa konsepto ng pag-aangkin at pag aangkop(adopt and adapt).


Ang mga Phoeniciano
ALPABETO


Kabilang sa pangkat ng lahing Semitiko,ay nanahan sa mauunlad  na lungsod -estado sa may baybayin ng dagat ng mediterano.Mahuhusay silang manggawa ng barko,manlalayag at manganagalakal na nagtatag ng mga estratehikong lungsod na may daungan tulad ng Sudon,Tyre, Beirut at Byblos.Pinakamahalagang  na ambag nila sa sangkatauhan ang alpabeto.Simple lamang ang alpabeto ng mga Phoeniciano na nakabase sa ponetiko.
  
Ang mga Persyano
MGA PERSYANO
Ang salitang Persia ay halaw sa katagang Perssi,bansag ng mga Griyego sa lugar na iyon.Sa ilalim ni Cyrus the great,lumawak ang imperyo ng Persia mula sa lambak ilog ng Indus hanggang sa baybayin ng Dagat Aegean.Itinuturing na isa ang imperyong Persyano  sa pinakamalaking imperyo sa panahong iyon dahil sinakop nila ang tatlong kontinente-Asya, Africa at Europe.

PAMAHALAAN

Hinati nila sa 20 satrapy o lalawigan ang kanilang teritoryo.Pinamumunuan ang bawat lalawigan ang isang gobernador na hinirang ng hari.Sa mahabang panahon ,napanatili ng mga Persyano ang katatagan ng kanilang imperyo dahil sa mahusay na sistema ng kanilang komunikasyon.Ang pangunahing wikang ginagamit ng Persyano ay Aramaic na ginagamit ng mga eskriba sa lahat ng bahagi ng imperyo.

RELIHIYON

Noong 600bce ipinahayag ng propetang si Zoroaster na may iisang diyos lamang. Ang diyos na ito ay tinawag niya ng Ahura Mazda na pinagmulan ng kaliwanagan at katotohanan,Dagdag pa niya na may espiritu ng kasamaan na kinilala niya bilang si Ahriman.

KABIHASNAN SA CHINA

KABIHABNAN SA CHINA



Sa lambak pagitan ng mga ilog ng Huang ho at Yangtze sumibol ang mga unang pamayanan sa China.Ang hangganan ng lambak sa hilaga ay ang disyerto ng Gobi at sa silangan naman ang karagatang Pasipiko.Ang kabundukan ng Tien Shan at Himalaya ang nasa kanluran ng lambak at sa timog naman ay ang mga kagubatan ng Timog -silangan  Asya.

MGA UNANG DINASTIYA

Dinastiyang Hsia- pinagharian ni Yu na isang inhinyero at matematiko.Sa pamumuno nya nasagawa ang pang irigasyon n hahadlang sa mapaminsalang pagbaha sa ilog.

Dinastiyang Shang- Ang tanging ebidensya ng kanilang sistema ng pagsulat ay mula sa oracle bones.Ito ay piraso ng buto ng pawikan na sinusulatan ng katanungan at binibigyang kasagutan ng shaman. Hinati sa dalawang pangkat ang lipunan sa panahon ng dinastiyang Shang .Ang unang pangkat ay ang maharlika at ang ikalawa ay ang mga mandirigma.

Dinastiyang Zhou-Ipinagpatuloy nila ang konsepto ng Tian Ming o "mandato ng langit"na ang hari ang kinikilalang kinatawan ng langit.Ang siklong pagtatatag,pagbagsak at papapalit ng dinastiya ayon sa mandato ay tinaguriang siklong dinastiko (dynamic cycle).Ang panahong ito ay tinaguriang "Panahon ng mga Nagdidigmang Estado"

Dinastiyang Qin- Tinawag ng pinuno ng Qin ang kanyang sarili na Shi Huangdi na nangangahulugang unang emperador.Iniutos sa lahat ng maharlikang pamilya ng bawat estado sa buong China na manirahan sa kabisera ng imperyo na Xianyang.Sa pagnanais na masupil ang tumutuligsa ang pamahalaan ay tinatawag na autocracy.Sa dinastiyang ito nagawaang "Great wall of China"  pader bilang depensa laban sa mga barbaro.

MGA PILOSOPIYANG LUMITAW sa  HULING DALAWANG DINASTIYA

Confucianismo- ipinanganak si conficius noong 551 bce.Namuhay sya bilang isang iskolar at ayon sa kanyang pag aaral ,dapat taglayin ng bawat isa ang jen o ang kabutihan at pagmamahal sa kapwa.Nanindigan siya na dapat  mamuhay ng marangal ang isang pinuno at magpakita ng kabutihan sa kanyang nasasakupan.Naniniwala rin siya na ang edukasyon ay susi upang ang isang karaniwang tao ay magiging maginoo.

Taoismo- Itinuro ito ng pilosopong si Lao-Tzu na namuhay noong 6 bce.Naniniwal siya na ang pinakamahalagang gawain upang makamit ang kaayusan at kapayapaan ay ang pagpapaubaya sa natural na takbo ng kalikasan..Bahagi ng paniniwala ng mga Taoist ang konsepto ng yin at yang na dalawang puwersa na nagpapakilos sa kalikasan.Ang yin ay simbolong lupa,dilim at kababaihan at yang ay simbolo ng langit, liwanag at kalalakihan.Sumusunod din sila sa feng shui na isang sistema ng pagsasaayos sa lupain at tahanan upang bumagay sa kapaligiran at panatilihing balanse ang yin at yang.

Legalismo-Sina Hanfeizi at Li Su ay dalawa sa mga nagsulong ng pilosopiyang legalismo.ayon sa pilosopiyang ito,ang isang malakas at mahusay na pamahalaan ang susi sa pagpapanatili ng kaayusan.Kailangan ng pamahalaan ang batas upang wakasan ang kaguluhan at magdala ng kayusan.






KABIHASNAN SA INDIA

HEOGRAPIYA

Sa hilagang bahagi ng sub-kontinenting India sumibol ang isang kabihasnan na matatagpuan sa lambak ilog ng Indus. Sa hilaga ng lambak ilog ay nakapaligid ang kabundukan ng hindu kush ,karakoram at himalaya na pinagmumulan ng tubig sa ilog.Pinagigitnaan naman ng disyerto  ng thar sa silangan at ng bulubundukin ng sulayman at kirthar sa kanluran ang matabang lupain na pinamahayan ng mga tao.
Agrikultura ang kanilang pangkabuhayan.Pangunahing produkto ay trigo, barley,palay at bulak.Nag aalaga rin sila ng mga hayop at may nagaganap ring kalakalan sa pagitan ng taga indus at taga mesopotamia.

Grid system-kung saan nahahati ng mga kalsada ang buong lungsod at nagkakaroon ng mga bloke ng lupain na pinatatayuan ng mga tahanan at iba pang estruktura.Ang mga tahanan ay may pare parehong sukat at may taas na isang palapag lamang, walang bintanang nakaharap sa kalsada bagkus ay may courtyard sa loob ng mga tahanan.

PANAHONG VEDIKO ng mga ARYANO

Nagmula sa Gitnang Asya ang mga mananakop na Aryano na pumasok sa lambak ng indus simula 1500 b.c.
Kabilang sila sa nomadikong  pastoralista at ang tanging tala ng kanilang buhay mahahalaw sa mga vedas.

ANTAS ng mga TAO sa  LIPUNAN

Nagpasimula ang mga Aryano ng Caste system o sistemang kasta na ang layunin ay ihiwalay ang mga aryano sa mga nasakop nilang Drabidyano.Tatlong uri ng lipunang aryano ;
1.Brahmin- binubuo ng kaparian
2.Kshtruya- binubuo ng pinuno at mandirigma
3.Vaishya- binubuo ng mga mangangalakal at magsasaka.
4.Shudra--lahing hindi aryano.
Itinuturing na hindi kabilang sa kasta ang mga dalit o untouchable dahil sa hindi malinis ang kanilang trabahao gaya ng pagiging matador,basurero at sepulturero.

PANITIKAN

Sa larangan ng panitikan,dalawang dakilang epiko ang nagmula sa india ang mahabharata at ramayana.
Mahabharata naglalaman ng 90 000 na taludtod at itinuturing na isa sa mga pinakamahabang tula sa buong  mundo.Samantala,ang Ramayana ay nasa anyong patula rin at epiko ito ng buhay ni haring Rama at ng kanyang asawa na si Sita.

PANANAMPALATAYA NG MGA ARYANO

Ang pagsasanib ng paniniwala ng dalawang pangunahing pangkat ng tao sa india ay ang  pinagmulan ng Hinduismo.Naniniwala sila na ang relihiyon ang tanging paraan upang lumaya ang kaluluwa ng tao sa mga kabiguan,pagkakamali at kalungkutan sa buhay.Ang mga guro ay sumuri sa nilalaman ng mga vedas at nabuo ang upanishads na kalipunan ng diyalogo ng isang guro at mag-aaral.Batay sa sulatin dapat maunawaan ng tao ang kaugnayan ng kanyang kaluluwa (atman) at kaluluwa ng mundo(brahman) upang makamit ng tao ang
 ganap na pagkakaunawa sa ugnyan ng atman at brahman( moksha).Sa kabilang banda, naniniwala din sila sa karma  na basehan  sa muling pagkabuhay.Sa paglaganap ng relihiyon maraming tao ang tutol kaya sumibol ang dalawang relihiyon na Buddhismo at Jainismo.

Buddhismo-tinuro ni Siddharta Gautama at tinatawag syang buddha na ibig sabihin ay "siyang nalinawagan".Ang kalinawagan ni buddha ay nakabatay sa apat na dakilang katotohanan (four noble truths).


jainismo
Ayon sa mga nananalig ng Jainismona ang 24 na guro na mula sa mag kakaibang panahon.Tinawag silang mga Jina na nangangahulugang ''mananakop'' at mga tirthankaras.
Si Vardhamana bilang ika-24 sa mga gurong ito at itinuturing na tagapagtatag ng samahang Jainismo,kung itinanhal siyang Mahavira o dakilang bayani.

Karamihan sa mga tagasunod ng Jainismo:
1.Ahimsa-pamumuhay ng payapa at pagwaksi sa karahasan sa anumang may buhay.
2.Satya-pagpapahalaga sa pagsasabi ng katotohanan.
3.Asteya-pag-iwas sa pagnanakaw.
4.Brahma-charya-pag-iwas sa anumang gawain at pag-iisip na makamundo.
5.Aparigraha-paglayo sa hangarin ng pagkakaroon ng kaligayahan materyal.

IMPERYONG MAURYA

Noong 312 bce,kinilala bilang hari ng Magadha (sa hilagang india) si Chandragupta Maurya.siya ay isang pinunong militar na nagpatalsik sa pamilyang Nanda na naghahari noon sa Magdha.Upang maayos na mapangasiwaan ang imperyo,bumuo si Chandragupta ng isang sentralisadong kawanihan na magpapatakbo sa pamahalaan.Hinati rin niya ang imperyo sa apat na lalawigan na pinamunuan ng isang prinsipe.

IMPERYONG GUPTA

Makalipas ang 500 taong kahulugang at digmaan,mayroong muling lumitaw na mahusay na pinuno sa kaharian ng magadha Siya ay si Chandra Gupta na nagtatag ng imperyong Gupta noong 320 bce.Mula kay Chandra Gupta at sa mga humaliling hari pagkatapos niya,nakaranas ang imperyo ng katahimikan at pag-unlad ng kabuhayan.muling tumatag ang pamahalaan at lumawak pa ang teritoryong imperyo.Sa larangan ng matematika,ipinakilala ng mga paham ang konsepto ng pagbibilang mula una hanggang ikasiyam na bilang .Ang kaalamang ito ay hiniram ng mga Arabe at dinala sa eurupe kung saan nakilala ito bilang hindu-arabic numerals.Saastronomiya,malaki naman ang ambag ni aryabhata sa pag-aaral patungkol sa mga eklipse at sateoryang pag-inog ng mundo sa araw.Sa larangan ng panitikan,kinilala naman si Kalidasa sa husay ng kaniyang mga isinulat na dula tulad ng shakuntala at vikramorvasiyam.