Thursday, July 31, 2014

KABIHASNAN SA EGYPT




Natatanging lokasyon ang Egypt dahil napapalibutan ito ng disyerto.Nakasentro ang kanilang kabuhayan sa pagsasaka.Regular na umaapaw ang nile river na nagsisislbing patubig at nagdadala ng silt na pampataba ng kanilang pananim.

Ang lumang Kaharian





Paraon na ang tawag sa pinuno ng kaharian sa panahong ito.Itinituring silang parang diyos ng mga tao kaya ganap ang kanyang kapangyarihan sa buong Egypt.
Tinatawag ding "panahon ng piramide" ang lumang kaharian dahil dito nagsimula ng magpatayo ng mga libingan  na hugis piramide.
Ang piramide ay nagsisilbing patunay ng katatagan ng pamamahala ng mga paraon at husay sa kanilang kabihasnan.

Ang gitnang kaharian



Sa pamumuno ni haring Mentuhotep nagsimula ang gitnang kaharian. Sentralisadong pamamahala ang pina iral kay tinawag na "panahaon ng maharlika"Naging maunlad  ang kalakalan  nakipag ugnayan sila sa Syria upang kumuha ng cypress,lapiz, lazuli at iba pa,
Sa silangang bahagi ng Egypt may pamayanang naitayo at tinawag na Hyksos na migrante mula sa Palestine. Lumakas ang kapangyarihan  ng hyksos hanggang madaig nila ang paraon. Naging maayos sa  loob ng 160 taon ang pamumuno ng hyksos hanggnag napatalsik ni Ahmose1 ng tebes.

Ang bagong kaharian




Pinaghaharian ni Ahmose I ang Egypt at ibinalik ang kaayosan at pangkalakalan.Sinakop muli ang Nubia at Canaan kaya tinaguriang "panahon ng imperyo" ang bagong kaharian.
Kinabibilangan nina reyna Hatshepshut babaeng paraon na nagdala ng katahimikan at kaunlaran sa Egypt sa 19 na taon.Thutmose III  pinalaki ang teritoryo ng sakupin ang ilog Euphrateshanggang Nubia sa katimugan. Rameses II ipinatayo nya ang lungsod ng pi-ramesses at mga gusali ng Abu Simbel at templo ng Ramesseum.

KATANGIAN NG KABIHASNAN

RELIHIYON
Ang paniniwala ng ehepsyo ay politiestiko.I lan sa kanilang diyos ay si RA ang diyos ng araw; si HUROS ang diyos ng liwanag at si ISIS ang diyosa ng mga ina at asawa.Naniniwala sila na may buhay pa pagkatapos sa kamatayan.Lahat ng ehepsyo ay naghahanda sa paglagakan ng kanilang labi o mummy.Ang mummification ay proseso ng pag-embalsamo ng katawan ng patay upang hindi mabulok.Naniniwala din sila na ang kanilang pinuno ay may eternal spirit kaya nabuo ang mga piramide na nagsisilbing libingan ng mortal na katawan ng hari.

LIPUNAN

Ang piramide ay inihahambing sa lipunan ng Egypt. Sa itaas na bahagi ay ang paraon at kanyang pamilya.
Kasunod nito ay ang mga opisyal ng pamahalaan,pinuno ng hukbo at mayayamang may lupa at ang pinakahuli ay ang mga magsasaka  at manggagawa.

PAGSULAT
Hieroglyphics-  bagong sistema  na ang mga larawan ay naging katumbas na ng tunog. Nagsusulat ang mga ehipsyo sa bato at luad, hanggang sa maimbento nila ang papel na mula sa papyrus reeds.


AGHAM AT TEKNOLOHIYA

Lumikha sila ng sistema  na nakasulat na numero para sa pagbibilang ng buwis,produkto at iba pa.Gumamit din sila ng heometriyapangsukat sa mga lupain  pagkatapos ng  pag apaw ng ilog nile.Bumuo rin sila ng kalendaryo na nakabase sa bituin na sirius.Umabot saa 365 araw ang kalendaryoat nahahati sa sa 12 buwan na may 30 araw at nadagdagan ng 5 araw para sa mga espesyal na okasyon. Kilala rin sa larangan ng medisina ang ehepsiyo.May kaalaman sila sa pagkuha  ng pulso ng tao,pagsasa-ayos ng mga butong pilay at bali at paggamot sa sugat at lagnat.

KABIHASNAN SA MESOPOTAMIA


Mesopotamia


Ang lambak-ilog ng mesopotamia aynapapalibutan ng Kabundukang Taurus sa hilaga at ng kabundukang Zagros sa silangan.Ang hangganan naman ng mesopotamia sa timog ay ang disyerto ng arabia at sa timog-silangan ay ang golpo ng persia.

ang pangalan ng mesopotamia ay nagmula sa salitang griyego na ang kahulugang ay''lupain sa pagitan ng mga ilog ''.Ang dalawang ilog na tinutukoy rito ay ang ilog tigris at ilog euphrates.Dahil sa matabang lupain at mainam na patubig mula sa ilog ,bahagi ang mesopotamia sa tinatawag na fertile crescent na mga lupain sa kanlurang asia







AKKADIAN

Ang mga unang emperyo  ay pinagharian ni haring sargon sa kaharian ng Akkad.Sa ilalim ng kanyang pamamahala lumawak ang sakop ng Akkad at kinilala bilang unang imperyo.Nagtagal ang imperyo ng mahigit 200 taon at pagkatapos ay nagkawatak-watak muli ang mga nasakop na bayan.




BABYLONIAN

( ISANG INUKIT NA BATO KUNG SAAN  MAKIKITA SI HAMMURABI NA NAKATAYO AT KAHARAP  ANG ISANG DIYOS )
Sa pagsapit ng 2000 b.c ang mga babylonian ang naghari at sumakop sa Mesopotamia.Sila ay pinamumunoan ni Hammurabi at nakamit ang pinaka rurok ng kapangyarihan.Makalipas ang  dalawang siglo,nabuwag ang imperyo dahil sa pagsalakay ng pastoralistang nomadiko.




ASSYRIAN

Sinakop ng assyrian ang mga lupain sa Mesopotamia,Egypt at Anatolia mula 850 to 650 b.c.Isinaayos nila ang ang nasasakupan mga lupaing malapit sa Assyria ginawang  lalawigan.Pinangalagaan ang emperyo ng hukbong Assyrian laban sa mga kaaway at mananalakay.Nagwakas  ang imperyong Assyrianng talunin ito ng puwersa ng mga Chaldeanat ibang kaanib na kaharian.



CHALDEAN

Itinanatag ng Chaldean ang kanilang kabisera sa matandang lungsod ng Babylon. Naging tanyag na hari sa Chaldean si Nebuchadnezzar dahil sa pinagawa nyang hanging gardens na isa sa seven wonders of the  ancient world.Ito ay bai-baitang na hardin na alay para sa kanyang asawa na si reyna Amytis. Sa taong 586 b.c. nasakop ng persyano ang kaharian ng Chaldean.



RELIHIYON

Ang mga sumeryano ay maituturing na may politiestikong pananampalataya.Pinakamakapangyarihan na diyos ay si Enlila ang diyos ng hangin  at mga ulap. Shamash naman ang diyos ng araw na nagbibigay ng kalinawagan. Inna ang diyosa ng pag-ibig at digmaan. Udug pinakamamabang diyos na tagapaghatid ng sakit,kamalasan at gulo.

 Gulong at layag nilikha ng mga Sumeryano.Cunieform ay sistema ng pagsulat at Sexagesimal isang sistema ng pamilang na nakabase sa bilang na 60.


  Ginamit ng Chaldean ang bronse bilang kasangkapan at bronse. Ang mga Babylonian ay nag-iwan ng clay tablet na may tala ng kasagutan sa mga komputasyon patungkol sa multiplication at division.



Ito ay arko,column at ziggurat mga arkitektura  na lubusang nakaimpluwensya sa makalumang kabihasnan sa mesopotamia.



Kodigo ni Hammurabi ay kalipunan ng mga batas na ang layunin ay pag isahin ang lahat ng bahagi ng lipunan.